Notorious Drug pusher arestado sa Pasig City

 

Arestado sa isinagawang drug buy-bust operation ng Eastern Police District o EPD ang isang high-level value target at dati ng Drug surenderee sa Pasig city kagabi.

Kinilala ang suspek na si Efren Sulit.

Matagal na anilang sumuko sa Oplan Tokhang si Sulit pero hindi umano natigil ang masamang bisyo ni nito at napag alamang notoryus itong tulak ng droga, base na rin sa ginawang surveillance ng mga otoridad.

Nasabat kay Sulit ang UZI sub-machine gun, dalawang calibre 38 revolvers, mga bala at 38 piraso ng plastic sachet na naglalaman shabu.

Nakakulong na si Sulit sa Pasig city Central Police station at mahaharap sa kasong paglabag sa Illegal Possesion of Firearms at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Ulat ni Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *