Operasyon ng Angkas app, pansamantalang pinigil ng Korte Suprema

Pansamantalang pinigil ng Korte Suprema ang operasyon ng ride hailing app para sa mga motorsiklo na Angkas.

Ito ay kasunod ng petisyon na isinampa ng  LTFRB na kumukwestiyon sa desisyon ng Mandaluyong Regional Trial Court noong Agosto.

Sa resolusyon ng Supreme Court 2nd division, inatasan nito si Judge Carlos Valenzuela ng Mandaluyong RTC Branch 213 na huwag muna ipatupad ang kanyang desisyon noong Agosto na nagbabawal sa otoridad na hulihin o pigilin ang operasyon ng ANGKAS app.

Mananatili ang TRO ng Supreme Court hanggat hindi binabawi.

Pinagkokomento rin ng SC ang Mandaluyong RTC sa petisyon ng LTRFB.

Unang dumulog sa Mandaluyong RTC ang ANGKAS laban sa pagbabawal sa kanila ng LTFRB na pinaburan ni Judge Valenzuela kaya inakyat ng LTFRB ang kaso sa Korte Suprema.

Ulat ni Moira Encina
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *