Oversight committee ng Kamara, muling binuo para tutukan ang mga ahensya ng Gobyerno

 

Muling binuo ng kamara ang oversight committeeng kapulungan upang mabantayan ang performance ng ibat ibang ahensiya ng gobyerno.

Si Minority leader Danilo Suarez ang itinalaga bilang chairman ng Oversight Committee.

Ang oversight committee ay binuwag sa Mababang Kapulungan noong panahon ng Aquino administration.

Ito ang nagbabantay sa klase ng trabaho ng mga Government agencies para matukoy ng Kongreso kung may accomplishment o kulang sa performance ang alinman sa mga ito.

Samantala, resigned na bilang Kongresista o miyembro ng Kamara si Karlo Alexei Nograles na nanumpa na kamakailan bilang bagong Cabinet secretary ng Duterte administration.

Pipili naman ang liderato ng Kamara kung sino ang magsisilbing caretaker ng unang distrito ng Davao sa iniwang nalalabing termino ni Nograles.

 

Ulat ni Moira Encina

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *