Pagbubukas ng bagong Hall of Justice ng Metropolitan Trial Courts ng Valenzuela City, pinasinayaan

Pormal nang binuksan ang bagong bulwagang pangkatarungan sa lunsod ng Valenzuela.

Ayon sa Supreme Court Public Information Office, ni-renovate ang dating Valenzuela City Regional Trial Courts para maging Hall of Justice ng Metropolitan Trial Courts o MeTCs ng lungsod sa tulong ng lokal na pamahalaan.

Nasa loob ng bagong MeTC Hall of Justice ang limang branch ng MeTCs, Fiscal’s Office, Office of Parole and Probation, Mediation Office, at Public Attorney’s Office.

Pinangunahan ni Chief Justice Lucas Bersamin ang pagpapasinaya sa Bulwagang Pangkatarungan ­– Metropolitan Trial Court Building.

Inihayag ni Bersamin na ang isa sa mga pangunahing agenda niya bilang Punong Mahistrado ay ang pagsasaayos ng mga imprastraktura ng hudikatura.

Binigyan-diin ni Bersamin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga courthouse sa paggagawad ng hustisya.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Supreme Court sa mga lokal na pamahalaan para magkaroon ng sariling gusali ang mga hukuman.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *