Paglusaw sa PCOO at pagbabalik ng Office of the President, pinaboran ni Communications Secretary Martin Andanar

Kinatigan ni Presidential Communications Operations Office o PCOO Secretary Martin Andanar sa mungkahing lusawin na lang ang PCOO at ibalik ang Office of the Press Secretary o OPS.

Sinabi ni Andanar na 2016 pa ay kanya ng ipinanukala ang pagbabalik ng Office of the Press Secretary dangan lang at hindi na napagtuunan ng pansin dahil sa dami ng mga napag-uusapang isyu.

Sinabi ni Andanar may isyu din sa kakulangan ng budget sapagkat hindi talaga maiiwasang maglabas ng dagdag na pondo dahil gugugol dito ang pamahalaan sa pagpapadala ng press attache.

Ayon kay Andanar ngayong nabuksan ang usapin sa pagbabalik ng Office of the Press Secretary malaking tulong ang naging pahayag ni Senate President Tito Sotto na nagsusulong ng pagbuwag sa PCOO at maibalik ang tanggapan ng Press Secretary.

Panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino ng mabuwag ang office of the Press Secretary at nilikha ang dalawang sangay na tinawag na PCOO at Presidential Communications Development and Strategic Planning Office o PDSPO.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *