Paglusot ng BBL sa dalawang kapulungan ng Kongreso ikinatuwa ng Malakanyang

 

Ikinagalak ng Malakanyang ang paglusot ng panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL sa dalawang kapulungan ng Kongreso.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na inaasahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapipirmahan niya ang BBL bago ang kanyang State of the Nation Address o SONA sa Hulyo.

Ayon kay Roque ang BBL ang isa sa priority legislative agenda ng administrasyon.

Inihayag ni Roque ang BBL ang nakikita ng Pangulo na magiging solusyon sa matagal ng Muslim rebellion sa Mindanao.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *