Pangulong Duterte, nagtalaga ng bagong Comelec Commisioner 

Kinumpirma ng Malakanyang na nilagdaan na ni Pangulong  Rodrigo Duterte ang appointment ng bagong miyembro ng Commission on Elections o Comelec.

Itinalaga ni Pangulong Duterte si Court of Appeals Associate Justice Socorro Balinghasay-Inting bilang kapalit ng nagretirong si Commissioner Arthur Lim.

Tubong Davao city si Justice Inting kung saan nagsilbi din siyang prosecutor sa Davao City bago naging hukom sa Makati noong 1997.

Si Inting ang pinaka-unang appointee ni Pangulong Duterte sa Comelec kung saan may 7 taong termino.

May isa pang bakanteng puwesto sa 7-man commissioners ng Comelec dahil hindi pa napupunan ang nabakanteng pwesto ng nagretirong si dating Commissioner Christian Robert Lim.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

1 thought on “Pangulong Duterte, nagtalaga ng bagong Comelec Commisioner 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *