Personal passenger insurance para sa mga kaligtasan ng mga pasahero ng tricycle, isinusulong

 

 

Tuluy-tuloy ang pagsusulong ng Commuter Safety and Protection na inakda ng mga abugadong pinangungunahan ni Atty. Ariel Inton.

Ayon kay Inton, kasama sa kanilang mga isinusulong ay ang personal passenger insurance ng mga pasahero at driver ng tricycle.

Paliwanag ni Inton, marami nang naitatalang aksidenteng kinasasangkutan ng tricycle pero wala naman itong insurance.

A kahit mayroon silang third-party liability, hindi naman kasama dito ang coverage para sa kaligtasan ng mga pasahero .

Milyon ang sumasakay sa tricycle araw-araw, pero never pong naisip na oo nga pala wala nga pala tayong insurance dito eh pag naaksidente bilang pasahero eh wala, kamot ka na lang sa ulo”.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *