Presidential Spokesperson Harry Roque, interesado sa sasabihin ni dating MRT General Manager Al Vitangcol

Bukas si Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na pakinggan ang anumang impormasyong manggaling kay dating MRT general manager Al Vitangcol.

Sa harap ito ng pinag-aaralang Plunder case sa mga dating opisyal ng nakalipas na administrasyon na dawit sa palpak na operasyon ng MRT at pagkuha ng maintenance provider na umano’y wala namang track record.

Inamin ni Roque na nagkaroon siya ng pakikipag-pulong kay Undersecretary for Legal Affairs and Procurement Reinier Paul Yebra at bukas aniya silang pakinggan ang anomang maaaring sabihin ni Vitangcol kaugnay ng naging iregularidad sa MRT na hanggang ngayoy pinagdurusahan ng mga mananakay.

Ayon kay Roque maaari nilang gamiting corroborative statement   ang anomang sasabihin ni Vitangcol sa testimonya naman ng dalawang hawak nilang whistleblower. Nilinaw ni Roque na hindi kabilang sa kanilang hawak na whistleblower si Vitangcol.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *