Senador Antonio Trillanes, naglagak na ng piyansa sa Pasay City RTC para sa kasong libel

 

Nakapaglagak na ng piyansa si Senador Antonio Trillanes para sa apat na kaso ng libel na isinampa ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.

Si Trillanes ay inisyuhan ng apat na Warrant of Arrest ng Davao RTC Branch 54 sa apat na kaso ng libelo.

Umaabot sa 96,000 piso ang inilagak na piyansa ni Trillanes para sa apat na kaso.

Si Trillanes ay una nang kinasuhan ni Duterte matapos siyang akusahang sangkot umano sa smuggling ng bilyun-bilyong pisong halaga ng shabu.

Kasabay nito, binatikos ni Trillanes ang gobyerno dahil sa aniya’y baligtad na hustisya.

Kataka-taka aniya na pinalalaya ang mga mandarambong samantalang ginagawan ng kaso ang mga kritiko para maipakulong.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *