Singil sa kuryente ngayong Marso at Abril, muling tataas

Mas mataas na singil sa kuryente ngayong Marso at sa susunod na buwan ng Abril ang mararanaan ng mga consumers nito.

Ayon sa Manila Electric Company o MERALCO, aabot sa 0.97 sentimo kada kilowatt hour ang dapat na dagdag sa kanilang singil.

Gayunman, nasa 0.85 sentimo kada kilowatt hour lamang ang kanilang ipapataw ngayong Marso at sa  Abril na lamang ang natitirang 0.12 sentimos kada kilowatt hour.

Ayon sa MERALCO, ito  ay upang hindi umano mabigla ang mga consumers sa magiging taas singil.

Ang dagdag singil ay bunsod umano ng pagtaas sa generation charge at mataas na demand sa kuyente dahil sa mainit na panahon.

 

=================

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *