Toga na isusuot ng mga Senador na tatayong hukom sa Impeachment trial ni Chief Justice Sereno, inihahanda na

Ipinasilip na sa media ang disenyo ng toga na gagamitin ng mga Senador na tatayong judge sa impeachment trial ni Supreme Court chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Batay sa inaprubahang disenyo ni Senate President Koko Pimentel, itim ang kulay ng toga at wool ang gagamiting tela.

Wala itong zipper pero lalagyan ng string.

Taliwas naman ito sa maroon ng toga na ginamit noon sa Impeachment trial ni dating Chief Justice Renato Corona.

Bukod sa toga pinaplantsa na rin ng Senado ang gagamiting rules sa impeachment.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *