Mga atletang Pinoy na sasabak sa mga International competition, pinasasama sa priority list ng mababakunahan

Umapila sa Inter-Agency Task Force si Senate Committee on Health Chairman Christopher Bong Go na isama sa priority list ang mga atleta ng bansa na sasabak sa Tokyo Olympics at Southeast Asian Games ngayong taon.

Ayon kay Go, mahalagang protektado ang mga atleta dahil sila ang mga kinatawan ng bansa sa International Competition.

Hindi din aniya maiiwasan ang Physical contact sa Sports events kaya naman mahalaga na matignan din ang kapakanan ng mga manlalaro ng bansa.

Isa lang aniya ito sa mga maibibigay na suporta sa mga atleta para matiyak ang panalo.

Muli namang tiniyak ni Go na dapat magtiwala ang taong bayan sa bakuna dahil ito lamang ang tanging paraan para makamit ang herd immunity at unti-unting makabalik sa normal ang buhay sa bansa.

Meanne Corvera

Please follow and like us: