Mga bagong gawang kubol sa NBP kinumpirma ni Aguirre matapos ang ginawang Oplan Galugad

Kinumpirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na may nadiskubreng mga bagong gawang kubol sa New Bilibid Prisons sa ginawang Oplan Galugad doon ng PNP-SAF.

Ito ay batay sa ulat sa kanya ni PNP Special Action Force Director Benjamin Lusad na nanguna sa operasyon.

Ayon kay Aguirre, ang mga bagong kubol na nasa loob ng medium security compound ay halos kagagawa lang.

Naka-airconditioned at naka-tiles aniya ang mga kubol at nagkataong itinayo kung kailan inilipat sa medium security compound ang ilang mga high profile drug convict na galing ng Building 14 at maximum security compound.

Lumalabas aniya na ang mga kubol ay naitayo noong panahon ng pamumuno ng nagbitiw na si BuCor Director Benjamin delos Santos.

Kaugnay nito, ipinag-utos na ng kalihim ang paggiba sa mga kubol at imbestigasyon kung paanong naitayo ang mga ito.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *