Mga bahay sa Balilahan, Bohol, inararo ng isang oil tanker truck

Inararo ng isang 6 wheeler oil tanker ang dalawang bahay sa barangay Haguilanan grande bayan ng Balilihan, Bohol.

Ayon sa imbestigasyon ng Balilihan police, nawalan ng kontrol sa preno ang driver ng oil truck na kinilalang isang Wendel Buwaya ng mangyari ang insedente bandang alas tres ng madaling araw.

Nawasak naman ang harapang bahagi ng dalawang bahay na pagmamay ari nina Ricardo Orilla at
Victoria Orilla.

Tinatayang nasa 600,000 pesos naman ang kabouan ng napinsalang ari-arian.

Samantala, walang namang naiulat na nasaktan sa nasabinv insedente. Nasa kustudiya pa rin ng Balilihan police station ang driver ng truck at kakaharapin ang reklamo laban dito.

Ulat ni Angie Valmores

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *