Mga banat ni Pangulong Duterte sa oposisyon, tinawag na Diversionary Tactics

Tinawag na Diversionary tactics ni Senador Leila De Lima ang banat sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi na isa siyang bitch na napaniwala ang buong mundo na isa siyang Prisoner of Conscience.

Sa isang pahayag, sinabi ni De Lima na ginagawa ito ng Pangulo para patakpan ang mga umano’y kapalpakan ng administrasyon lalo na ang paglaban sa Pandemya.

Marami na kasi ang pumupuna na bilyon-bilyong piso na ang inutang ng Gobyerno pero wala pa rin ang mga bakuna.

Sa dami aniya ng mga namamatay sa Covid-19, idagdag pa ang mga biktima ng Extra Judicial killings, mas inuuna at pinag-iinitan ng gobyerno ang mga pumupuna sa administrasyon.

Hindi aniya siya nagtataka dahil madalas na naglalabas ng masamang puna ang mga tinawag niyang  incompetent.

Meanne Corvera

Please follow and like us: