Mga Barangay at SK officials sa Maynila, nanumpa na sa harap ni Mayor Isko Moreno

Matapos ang mahigit isang taon mula ng manalo sila noong May 14,2018 Barangay at Sangguniang Kabataan elections….nakapanumpa na ang humigit kumulang 50 SK officials mula sa iba’t ibang distrito sa Maynila.

Nanumpa ang mga SK officials na ito sa harap ni Manila Mayor Isko Moreno.

Pagkatapos nilang manumpa, isa isa namang nilagdaan ng alkalde ang kanilang Oath of Office.

Ayon kay Manila mayor Isko Moreno, nakarating sa kanilang kaalaman na may mga opisyal pala ng SK ang hindi pa rin nakakapanumpa sa puwesto kahit na noong nakaraang taon pa sila nanalo at nagsimula sa trabaho.

Masaya naman ang mga nanumpang SK officials dahil maituturing ng ligal ang kanilang panunungkulan sa puwesto.

Ulat ni Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *