Mga biktima ng Bagyong Kristine sa Bicol region, nabigyan ng tulong ng DSWD
Umabot na sa 2.3 million pesos na halaga ng food at non-food items ang naibigay na tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) field office 5 sa Bicol region, kaugnay ng pananalasa ng Bagyong Kristine.
Photo courtesy: DSWD
Ito ang iniulat ni DSWD Disaster Response Management Group Head at spokesperson Asst. Secretary Irene Dumlao.
Ayon kay Dumlao, kabilang sa mga naabutan na ng tulong ng DSWD ay ang mga residente sa mga lalawigan ng Albay, Camarines Sur at Sorsogon, na naapektuhan ng matinding pagbaha dulot ng malakas na pagbuhos ng ulan na dala ng bagyo.
Photo courtesy: DSWD
Sinabi ng opisyal, na nagbigay din ang DSWD regional office 5 ng hot meals sa mga evacuee, partikular sa lalawigan ng Albay na nasa ilalim ng state of calamity.
Batay sa ulat ng DSWD Bicol region, tinatayang nasa 4,092 mga pamilya o 15,715 mga indibidwal ang nasa evacuation centers na itinalaga ng mga lokal na pamahalaan.
Photo courtesy: DSWD
Vic Somintac