Mga Chinese nationals, may pinakamaraming paglabag sa Immigration Law ng bansa

Nangunguna ang mga Chinese nationals sa mga may pinakamaraming paglabag sa Immigration laws.

Sa panayam kay Bureau of Immigration (BI) spokesperson Dana Sandoval, ito ang lumabas sa statistics ng ahensya sa mga arrested foreign nationals noong 2018.

Isa sa nakikitang dahilan ng BI ay ang laki ng bilang ng  mga Chinese na dumarating sa bansa.

Samantala, nakikipag-ugnayan na ang BI sa Deparment of Transportation at Philippine National Police (PNP) sa mga kasong maaaring isampa laban sa babaeng Chinese national na nagsaboy ng inuming taho sa nakatalagang pulis sa MRT-3 Boni avenue station noong Sabado.

We’re very interested in pursuing an investigation against this person. Dahil maraming dumarating na ganitong nationality, tumataas yung nahuhuli nating violator sa certain nationality na yun”. – Dana Sandoval, BI spokesperson

==============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *