Mga copier at duplicator, ipinagkaloob sa mga Public schools sa SJDM, Bulacan

Nasa 58 copiers at 3 duplicators ang ipinamahagi ng Pamahalaang Panglunsod ng San Juan del Monte, Bulacan para magamit ng mga pampublikong paaralan sa paggawa ng learning modules.

Ginanap ang turn-over ceremony sa SJDM covered court sa Barangay Poblacion na dinaluhan ng mga kinatawan ng mga Public school principals at teachers.

Pinangunahan naman ni Mayor Arthur Robes at Dr. Merlina Cruz, School division Superintendent ang turn-over ceremony.

Inaasahang sa proyektong ito ay makatutulong sa paggawa ng modules na bahagi ng blended learning ng Department of Education ngayong Covid-19 Pandemic.

Matapos ang turn-over ceremony ay nagkaroon din ng orientation para sa mga operator ng mga nasabing machine.

Cez Rodil, SJDM Bulacan correspondent

Please follow and like us: