Mga e-cigarettes at vape, plano na ring patawan ng buwis

Isusulong ni Senador Ralph Recto ang pagpapataw ng buwis sa mga alternative products ng cigarette smoking  gaya ng vapes at e-cigarettes.

Sa harap ito ng ginagawang deliberasyon ng Senado sa panukalang itaas ang buwis sa tobacco products o sin tax bill.

Pero nilinaw ni Recto na ang buwis na dapat ipataw sa mga vapes at e-cigarettes ay hindi dapat kapantay ng buwis na ipapataw sa sigarilyo.

Katwiran ni Recto, layon ng sin tax  bill na patigilin ang mga naninigarilyo pero lumalabas sa pag aaral na nagda-divert lang ang mga smokers sa paggamit ng vape o e -cigarettes.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *