Mga edad 15 hanggang 65 taong gulang, pinapayagan nang makalabas ng kanilang tahanan sa Tagaytay City Cavite.

Naglabas na ng Executive order ang Tagaytay City Cavite Govt. na nagpapahintulot sa kanilang mga kababayan na may edad 15 hanggang 65 na lumabas ng kanilang tahanan. 

Batay sa Executive order no. 345 na nilagdaan ni Tagaytay City Mayor Agnes Tolentino, pinapayagan na nilang makalabas ng tahanan ang kanilang mga kababayan sa lungsod na may edad 15 hanggang 65 anyos.

Binanggit din ng alkalde sa kanilang executive order na mananatili pa rin ang istriktong pagpapatupad ng safety health protocol katulad ng pagsusuot ng facemask at faceshield maging ang social distancing para sa mga nabanggit na edad para maiwasan ang pagkakaroon at pagkahawa ng Covid 19.

Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us: