Mga establisimyento at ilang pamilihan sa Nueva Ecija ininspeksyon ng PNP at MDRRMO

Ininspeksyon ng pinagsanib na pwersa ng Phil. National Police (PNP) at ng Municipal Disaster Risk Reduction Managemwnt Office (MDRRMO), ang commercial establishments at ilang pamilihan sa Bongabon, Nueva Ecija.

Ito ay upang malaman kung naipatutupad ba ang health protocols na ipinaiiral sa bayan.

Hindi rin nakaligtas sa inspeksiyon sa pagpapatupad ng minimum health protocols ang mga taong pumapasok sa loob ng palengke,

Hinahanapan ang mga ito ng quarantine pass, kailangang nakasuot ng facemask at faceshield at mahigpit na ipinatutupad ang social distancing.

Umaasa ang Municipal Inter Agency Task Force at ang alkalde ng bayan na hindi na maragdagan pa ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19, kaya ang mga pulis at MDRRMO ay inatasang bantayan at i-monitor ang matataong lugar sa bayan.

Ulat ni Jaime David

Please follow and like us: