Mga generator sa NAIA handa sa pinangangambahang browout

Tiniyak ng Manila International Airport Authority na nakahanda na ang kanilang generator sets para tumugon sa anumang banta ng brownout.

Kaugnay ito ng nakataas na red alert status dahil sa manipis na suplay ng kuryente sa Luzon Grid.

Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, kahit ang paliparan ang priority ng National Grid Corporation of the Philippines na mabigyan ng suplay kung magkakaroon ng kakapusan, nakahanda pa rin ang kanilang mga genset.

Regular rin  itong sumasailalim sa maintenance  at  lingo lingong tine-testing.

Umaasa silang hindi ito magba- bogged down oras na kakailanganin.

Ulat ni : Mean Corvera

 

Please follow and like us: