Mga gumaling na Covid-19 patients sa QC umabot na sa mahigit 15,000

Mahigit na sa 15,000 Covid-19 patients ang nakarekober sa Covid-19.

Ayon sa QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) 3,163 ang kumpirmadong active cases mula sa 19,633 kabuuang bilang ng nagpositibo sa lungsod.

Ayon sa CESU, ang mga report na lalabas linggu-linggo at kada dalawang linggo ay magpapakita ng mas komprehensibong datos at kabuuang trend ng COVID-19 sa  lungsod.

Samantala, patuloy pa rin ang paalala ng pamahalaang local sa mga qc residents na huwag maging kampante bagkus patuloy na isagawa ang pagsusuot ng facemask at face shield lalo na sa pampublikong lugar, isagawa ang physical distancing at ugaliin ang maghugas ng kamay.

Belle Surara

Please follow and like us: