Mga gumaling na sa Covid-19, hinimok na mag-donate ng kanilang plasma

Dahil sa muling pagtaas ng kaso, hinimok ni Senador Richard Gordon ang mga gumaling na sa Covid-19 na magdonate ng kanilang Convalescent Plasma sa Philippine Red Cross (PRC).

Ito’y para tulungan ring gumaling ang pasyenteng naka-confine sa mga ospital na matinding tinamaan ng virus.

Ang Convalescent Plasma therapy ay nakatutulong para mabilis na makarekober ang mga nagpositibo sa Covid.

Ayon kay Gordon, ang PRC ay nakapagbigay na ng 784 units ng plasma sa nasa 686 na mga pasyente sa 88 mga ospital.

Sa kasalukuyang inventory ng Red Cross, mayroon na lamang walong unit ng plasma sa kanilang tanggapan pero marami pang ospital ang nagre- request nito.

Statement Sen. Gordon:

With a number of hospitals, especially those that are dedicated for COVID-19, now at full capacity due to the exponential rise in cases, we can help prevent hospitals from being overwhelmed by donating plasma since COVID patients will recover in a shorter time. COVID survivors can become heroes“.

Meanne Corvera

Please follow and like us: