Mga gym sa NCR, iminungkahing buksan na rin sa ilalim ng Alert Level 4

Iminungkahi ni Trade Secretary Ramon Lopez sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang muling pagbubukas ng operasyon ng mga gym at fitness center sa Metro Manila sa ilalim ng Alert Level 4.

Pero nilinaw ni Lopez na ito ay sa 10% capacity lamang muna.

Ayon sa kalihim, ang nakadaragdag kasi ng immunity ang pag-eehersisyo kaya dapat na rin itong buksan.

Hanggang September 30 pa ang implementasyon ng Alert Level 4 sa NCR at ang pinapayagan lamang na magbukas ay mga restaurant at salon na nasa 10% capacity.

Please follow and like us: