Mga indibidwal na may edad 18 hanggang 65 taon, pinapayagan nang lumabas ng bahay sa San Juan

Pwede nang lumabas ng bahay ang mga residente ng San Juan City na may edad 18 hanggang 65 taon.

Ito ay alinsunod sa kautusan na nilagdaan ni San Juan City Mayor Francis Zamora.

Pinayagan na ang mga nasabing edad na makalabas ng tahanan matapos mapagkasunduan ng Metro Manila Council.

Pinagbabawalan pa ring lumabas ng bahay ang mga indibidwal na 17 anyos pababa at 66 anyos pataas kabilang ang may comorbdities maliban kung may emergency o essential activities.

Moira Encina

Please follow and like us: