Mga kandidato ng oposisyon nalaglag na sa magic 12 sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

Hindi pa rin natitinag sa number one spot para sa Senatorial preferences sa eleksyon sa Mayo si Senador Grace Poe.

Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia noong March 23 hanggang 27, nakakuha si Poe ng 72.6 percent na approval rating na sinundan ni Senador Cynthia Villar.

Pumasok naman sa ikatlong spot si Senador Sonny Angara, pang-apat si Bong Go, panglima si Congresswoman Pia Cayetano at no. 6 si Lito Lapid.

Nasa six hanggang 12 spots sina Senador Nancy Binay, dating PNP Chief Ronald Dela Rosa, Bong Revilla, Imee Marcos, Francis Tolentino at Jinggoy Estrada.

Nalaglag naman sa magic 12 ang mga kandidato ng oposisyon kung saan nasa 13th spots na si Senador Bam Aquino na sinundan ni Senador Koko Pimentel, habang pang-labinlima at pang-labing anim sina Serge Osmeña at Mar Roxas.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *