Mga kandidatong kurap papangalanan ni Pangulong Duterte

Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na isapubliko ang mga kurap na kumakandidato sa halalan sa May 9, 2022.

Sa kanyang Talk to the People sinabi ng Pangulo na obligasyon niyang ipabatid sa publiko na ilantad ang mga kandidato lalo na ang tumatakbo sa pagka- Pangulo na sa tingin niya’y hindi karapat – dapat na mahalal.

Ayon sa Pangulo walang personalan ang kanyang gagawing pagbubunyag lalo na sa isang kandidato sa pagka- Presidente na nagpapanggap na matino subalit kurap at mayroon namang kulang talaga sa kuwalipikasyon para maging Pangulo.

Inihayag ng Pangulo na ayaw na sana niyang magbigay ng impormasyon kaugnay ng kanyang nalalaman sa mga tumatakbo sa pagka- Pangulo subalit obligasyon niyang ipaalam sa publiko dahil nakasalalay ang dito ang kinabukasan ng bansa.

Niliwanag ng Pangulo na paniwalaan man siya o hindi ng publiko walang problema ang mahalaga nakapagbigay siya ng babala kung sino ang karapat-dapat na mamuno sa pamahalaan.

Vic Somintac

Please follow and like us: