Mga Kongresista, pinayuhan ni Senador Ping Lacson na uminom ng memory enhancement pills dahil nakalimutan ang Pork insertions

Naninidigan si Senador Panfilo Lacson na hindi magso-sorry sa mga Kongresista sa isyu ng pork barrel.

Sa harap ito ng banat nina Congressmen Fred Castro at  Mike Defensor na mag-sorry ang Senador dahil  sa paggigiit na may isiningit na pork insertions ang mga Kongresista.

Pero buwelta ni Lacson dapat uminom ng memory enhancement pills ang mga Kongresista.

Nakalimutan aniya ng mga ito ang 95 bilyong Pork allocations na isiningit sa pondo ng DPWH.

Nanggagalaiti aniya ang mga Kongresista dahil ivineto ni Pangulong Duterte ang naturang pork allocations na maaaring maulit sa budget ngayong taon.

Iginiit ni Lacson na may basehan ang kaniyang mga alegasyon sa pork insertions dahil mismong mga Kongresista ang nagbigay sa kaniya ng impormasyon.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *