LGUs, hiniling na payagang direktang makabili ng bakuna sa Pharmaceutical Companies

Hinimok ni Senador Christopher Bong Go ang Inter Agency Task Force (IATF) na maglatag ng proseso kung paano mapapabilis ang pagbili ng bakuna ng Local Government Units o LGUs.

Sinabi ni Go na nakiusap na siya kay Vaccine Czar Carlito Galvez para gumawa ng hakbang hinggil dito.

Isa aniya sa kaniyang ipinakiusap ay kung maaring diretso nang makabili ang mga LGU sa mga manufacturer o pharmaceutical companies.

Ito’y kapag pumasa na ang mga bakuna sa Food and Drug Administration at naglabas na ito ng Emergency Use Authorization.

Dapat din aniyang matiyak na safe ang bibilhing bakuna at sertipikado ng FDA bago payagang makapasok sa bansa.

Meanne Corvera

Please follow and like us: