Mga magniniyog sa Dingalan, Aurora, nakatanggap ng ayuda

Napagkalooban ng tulong ang ang mga magniniyog o mga coconut farmers sa Dingalan, Aurora na nasalanta ng Bagyong Ulysses.

Ang pamamahagi ng tulong ay pinangunahan ni Mayor Sherwin Taay.

Samantala, nabigyan din ng puwesto ang mga nagtitinda ng isda sa Comunity Fish Landing Center.

Dito magkakaroon ng pagkakataon ang kanilang mga kababayan at mga bumibisita sa lugar ng iba’t-ibang uri ng isda at iba pang mga produktong pandagat lalu na ngayong papalapit na ang tag-init.


Daceryll Rivera, EBC Correspondent

Please follow and like us: