Mga magsasaka sa San Fernando pinaghahanda na para sa panahon ng tag-ulan

Kaalinsabay ng Fernandino’s Farmers Week, ang City Agriculture and Veterinary Office o [CAVO] ay namahagi ng mga bagong sertipikadong binhi sa mga magsasaka, na ginanap sa Organic Trading Post New Public Market sa Del Pilar sa San Fernando, Pampanga.

Isangdaan at limampung barangay ang inaasahang makikinabang, sa mga naipamigay na humigit kumulang tatlong daan at apatnapung kilo ng binhi.

Ayon sa CAVO Crop Division Chief, Engineer Francisco Cangco, layunin nitong maihanda sila sa planting activities para sa darating na tag-ulan.

Dagdag naman ni Amando Fernando, Jr. Board of Director ng Sanduguan Farmers’ Association ng San Fernando, malaki ang maitutulong nito sa pangkabuhayan ng mga magsasaka.

Ulat ni Jazzy Herrera

Please follow and like us: