Mga mahistrado ng CA nangunguna sa listahan ng mga aplikante para sa babakantehing pwesto sa SC ni Justice Mendoza

Umabot na sa labing-tatlo ang  aplikante para sa iiwang pwesto sa Korte Suprema ni Associate Justice Jose Mendoza na magreretiro sa Agosto.

Mga mahistrado ng Court of Appeals ang namamayagpag sa listahan ng mga nagnanais na makuha ang SC post.

Pero sa nasabing bilang tatlo na lamang ang sasalang sa public screening ng Judicial and Bar Council.

Ang mga ito ay sina CA Justice Samuel Gaerlan, Sandiganbayan Justice Alexander Gesmundo at Deputy Ombudsman for Luzon Gerard Mosquera.

Ang iba pang sampu ay una nang nakilatis ng JBC para sa ibang SC post at nanatiling valid pa ang kanilang interview.

Ang iba ring aplikante ay una na ring nasa shortlist ng JBC para sa babakantehing posisyon ni SC Justice Bienvenido Reyes.

Kabilang sa mga ito si CA Presiding Justice Andres Reyes Jr. at iba pang mahistrado ng Appellate Court.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *