Mga miyembro ng Caloocan PNP , sinibak sa pwesto – Albayalde

Sinibak na sa puwesto ang lahat ng pulis sa Caloocan-PNP.

Ayon kay NCRPO Chief Oscar Albayalde, ito’y dahil sa mga nangyaring kontrobersyal na pagkamatay ng ilang menor de edad sa Caloocan.

Sinimulan nang sibakin sa pwesto ang mga tauhan sa Station 7 at isusunod nila sa mga darating na araw ang iba pang istasyon ng pulisya sa Caloocan.

Ayon kay Albayalde, ipapalit sa Caloocan police ang mga miyembro ng Regional Public Safety Battalion ng NCRPO at ang mga miyembro ng Civil Disturbance Management Contingent na gagamitin sa ASEAN.

Sa ngayon, sinabi ni Albayalde na isasailalim muna sa retraining ang mga miyembro ng  Caloocan police.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *