Mga miyembro ng PDP Laban, hinikayat na protektahan si Duterte laban sa mga pag-atake

Pinulong na ng Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan o PDP-Laban ang mga miyembro nito para hilingin ipagtanggol si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa harap ito ng sunod-sunod na pag-atake at paninira laban sa Pangulo na siyang chairman ng partido.

Ayon kay PDP Laban President  Senate President Aquilino Pimentel, ginawa niya ang apila sa isinagawang membership seminar ng partido na dinaluhan ng mga kongresista, governors at mga councilors.

Hiniling niya sa mga ito na magpakita ng suporta at ipakita ang pagkakaisa ng partido sa mga programang isinusulong ng administrasyon.

“ We need to protect the President. We need to help the President because we noticed the increase in attacks against him, I have observed personally sustained, increased attacks, unreasonable attacks. So being the chairman of the party, sabi ko let’s show support “. –Sen. Pimentel

Pero inamin ni Pimentel na hindi natalakay sa pulong ang impeachment case na inihain laban sa Pangulo ng grupong Magdalo.

Ulat  ni: Mean Corvera

Please follow and like us: