Mga miyembro ng TODA sa bayan ng Baler sa Aurora, pinagkalooban ng cash assistance

Nagkaloob ng isanglibong pisong cash assistance ang pamahalaan, sa pamamagitan ng tanggapan nina Sen. Sonny Angara at Congressman Rommel Angara, sa 1,600 miyembro ng Tricycle Operators and Driver’s Association (TODA) sa bayan ng Baler.

Mula sa inisyatiba nina Mayor Rhett Angara at Vice Mayor Pedro Ong, Jr. Ang cash assistance ay mula sa 1.6 na milyong pondo.

Kasama sa namahagi ng tulong pinansyal ang ilang miyembro ng Sangguniang Lalawigan at Sangguniang Bayan.

Samantala, pinaglalaanan na rin ng pondo ang para sa ibibigay na cash assistance sa iba pang miyembro ng TODA sa Aurora.

Ulat ni Jenica Fernandez

Please follow and like us: