Mga nagpapakalat ng fake news na namatay na si Pangulong Duterte, hindi papatulan ng Malakanyang

Hindi na gagawa ng ligal na hakbang ang Palasyo kaugnay sa mga nagpapakalat ng pekeng balita laban sa Pangulo.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Salvador Panelo kasunod ng pagkalat ng balita na yumao na ang Pangulo matapos itong hindi dumalo sa isang event sa Leyte noong Biyernes.

Ayon kay Panelo hindi na nila pag-aaksayahan pa ng panahon ang mga trolls na lalu’t matagal na rin namang may gumagawa ng mga pekeng balita laban sa Pangulo at tila nagiging ordinaryo na lamang  ito.

Inihayag ni Panelo mayorya naman ng mga Pilipino ang hindi na naniniwala sa mga pekeng balita kaya’t makabubuti na hindi na patulan.

Niliwanag ni Panelo na maayos ang kalusugan ng Pangulo para gampanan ang kanyang tungkulin.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *