Mga nagtatangkang pabagsakin ang gobyerno, binantaan ng Malakanyang

Binabalaan ng Malakanyang ang mga grupong nagbabalak ibagsak ang gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang anumang hakbang laban sa national security ay mahaharap sa kasong kriminal.

Ayon kay Panelo sa ngayon ay iniimbestigahan na ng Department of Justice at National Bureau of Investigation ang mga nasa likod ng Bickoy video na laban kay Pangulong Duterte at sa kanyang pamilya.

Inihayag ni Panelo na lahat ng mga mapatunayang sangkot sa tangkang ibagsak ang gobyerno ay kakasuhan ng pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Justice.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *