Mga naka-embargong produktong petrolyo noong nakalipas na taon, kailangan munang ubusin at ibenta sa dati pa ring presyo sa harap ng ikalawang isgwada ng TRAIN law-Malakanyang

Tiniyak ng Energy Department na mauubos at maibebenta muna ang fuel stocks ng 2018 sa harap ng ipatutupad nang 2nd tranche ng TRAIN Law.

Ito ang sinabi ni Energy secretary Alfonso Cusi kasabay ng pahayag na buong higpit nilang imo-monitor ang implementasyon ng ikalawang bugso ng TRAIN law para sa mga petroleum products.

Binigyang diin ni Cusi, sisiguradhuhin nilang mabibili ang 2018 fuel stocks sa halagang nasa kategoryang pre-implementation prices ng TRAIN law part 2.

Tiniyak ni Cusi na may mga hakbanging gagawin ang Department of Energy upang mapigilan ang anomang anyo ng pang-aabuso ngayong umaarangkada na ang ikalawang sigwada ng TRAIN law para sa mga produktong petrolyo.

Niliwanag ni Cusi ilang mga gas station na ang kanilang hinihingan ng paliwanag sa kung bakit nagpatupad na ng fuel price hike simula pa nitong nagdaang Enero 2.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *