Mga negosyante hinimok na subukan ang E-Commerce

Hinimok ni Senador Sonny Angara ang mga negosyante partikular ang mga Micro-small and medium enterprises na subukan ang E-Commerce o Online business.

Sinabi ni Angara na makatutulong ang Digital Business para mabilis na makabangon ang ekonomiya ngayong  may umiiral pang restrictions dahil sa Covid-19 Pandemic.

Napatunayan na aniya ang digital business noong panahon ng  lockdown kung saan mayorya ay umasa sa pagbili ng mga produkto sa pamamagitan ng online.

Mahalaga ayon sa Senador ang ambag ng mga MSME’s para mapabilis ang Economic activity at mabilis na makabawi ang bansa na nakapagtala ng negative 9. 5 percent sa nakalipas na taon.

Nauna nang naghain si Angara ng Senate Bill 1470 o National Digital Transformation Act para palakasin pa ang pagnenegosyo sa bansa.

Meanne Corvera

Please follow and like us: