Mga negosyanteng nag-iimbak ng bigas sa Iligan, kinasuhan ng hoarding

 

Sinampahan ng kasong hoarding ang isang negosyanteng Filipino at mga Tsinong nahuling nag-iimbak ng mahigit 20,000 sako ng bigas sa Iligan city.

Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), lumabag sa price act sina Sonia Payan at mga Tsinong sina Lu Zi Yong, Yang Jianzhu, Johnny Tan at Raul Chenfoo.

Gayunman,  binigyan ng pagkakataon ng National Food Authority (NFA) ang mga sangkot sa pag-iimbak na magpakita ng kaukulang dokumento para patunayan na legal ang kanilang negosyo.

Ipinabatid naman ng Bureau of Customs (BPC) na kanilang beniberipika kung tunay nga ang dokumentong iprinisinta ni tan na sinasabing napanalunan niya sa isang auction sa BOC-Zamboanga ang naturang mga bigas.

Ngunit ayon sa Customs, hindi na magsasagawa ng auction ng bigas ang kanilang ahensya.

 

================

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *