Mga OFW sa Australia at Singapore, nakabalik na sa trabaho – DOLE

Karamihan ng mga pinoy sa ilang bansa na apektado rin ng mga ipinatupad na lockdown dahil sa COVID-19 pandemic ay nakabalik na sa kanilang trabaho.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, karamihan sa mga manggagawang pinoy sa Australia at Singapore ay nakabalik na sa kani kanilang trabaho.

Sa Singapore naman ayon kay Bello maraming OFW ang pinaghusay rin ang kanilang technical skills para makaagapay sa mga digital-based jobs.

Tiniyak naman ng DOLE na sa kabila ng pandemya ay nakapaghahatid serbisyo parin ang kanilang Philippine Labor Offices sa iba’t ibang bansa para maasistihan ang ating mga kababayan sa pamamagitan ng online consultation.

inihayag pa ng DOLE, sa pamamagitan ng online consultation ay nagagabayan ng POLO ang mga OFW kung paano makakaagapay sa kasalukuyang sitwasyon.

Madz Moratillo

Please follow and like us: