Mga operator ng Colorum bus, magagaya sa mga Drug personalities kapag nanalaban sa pulis- ayon kay Pangulong Duterte


Matutulad sa mga drug personalities ang mga operator ng mga colorum na bus kapag nanlaban sa pulisya.

Ito ang ibinabala ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos na atasan niya ang Philippine National Police o PNP na arestuhin ang mga operator ng colorum na bus sa buong bansa.

Sinabi ng Pangulo na matagal ng problema ang mga colorum na bus na naglalagay peligro sa buhay ng mga pasahero.

Ayon sa Pangulo inutusan niya ang PNP na barilin at patayin din ang mga colorum na bus operator kapag lumaban.

Inihayag ng Pangulo na dapat sa panahon niya ay matapos na ang problema sa mga colorum na mga pampublikong sasakyan.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *