Mga opisyal ng Department of Agrarian Reform (DAR) na pinaghihinalaang Corrupt, pinaiimbestigahan ni Pangulong Duterte

 

Sinisilip na ng Office of the Executive Secretary ang ilang opisyal ng Department of Agrarian Reform o DAR.

Ito ay matapos makailang beses na sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na sisibakin niya ang ilang taga DAR sa mga susunod na araw.

Nababagalan  ang Pangulo sa proseso ng land conversion na inaabot na ng dalawang taon.

Dahil sa delay na ito hindi agad naipapamahagi ang mga lupa na para sa land reform beneficiaries.

Ayon sa Malakanyang hindi pa maisapubliko kung sinu-sino ang sisibakin hanggat hindi pa tapos imbestigahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang isyu.

Muling nagbabala ang Pangulo na umalis nalang sa puwesto ang mga taga DAR na pinaiimbestigahan.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *