Mga opisyal ng Philhealth na sinasabing sangkot sa Mafia, pinakakasuhan ng Malakanyang

Hinamon ng Malakanyang ang si dating Presidential Spokesman Harry Roque na magsampa ng kaukulang kaso laban sa mga kilala niyang sangkot sa Mafia sa Philhealth.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kung may ebidensiya si Atty. Roque laban sa mga tiwaling opisyal ng Philhealth dapat magsampa ng kaso sa hukuman.

Ayon kay Panelo dapat gumulong ang proseso ng batas sa mga opisyal ng gobyerno na lumulustay sa pondo ng gobyerno.

Ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng Philhealth ay nasa hot water dahil sa nabunyag na umanoy multi bilyong pisong anomalya sa state health insurance.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *