Mga pagkaing tinatawag na “putok batok” may dulot din na benepisyo ayon sa eksperto

Binansagang putok batok ang chicharon baboy, chicharong bituka, chicharong balat ng manok at chicharong bulaklak.

Ang mga nabanggit ay paboritong kainin ng mga Pilipino lalo na sa mga handaan.  hindi ito nawawala.

Ayon sa mga eksperto, binansagang putok batok ang mga naturang mga pagkain dahil sa mataas ang kolesterol ng mga ito.

Ngunit, batay pa rin sa mga eksperto, mayroon ding vitamins at minerals ang mga nabanggit na chicharon  na nakatutulong sa katawan.

Ang taglay na fat  o taba ng chicharon ay pinagkukunan ng enerhiya na kailangan din ng katawan.

May protina din itong taglay ang chicharon at walang carbohydrates.

Bukod dito, taglay din ng chicharon ang nutrients halimbawa ay phosporous na kaagapay ng calcium na tumutulong sa mineralization ng mga buto at ngipin.

Taglay din ng chicharon ang pakonting konting iron na tumutulong para sa normal at healthy development  ng red blood cells at  hemoglabin  na karaniwang nagbibigay ng oxygen sa ibat’ ibang bahagi ng organs ng ating katawan.

Ang may pinakamataas na protina ay ang chicharong bituka  at ang may  pinakamataas na fat content ay chicharon bulaklak.

Kung kaya  dalawang pirasong kasinglaki ng kaha ng posporo lang  ang dapat na kainin upang maiwasan ang mga sakit na idudulot na labis ng pagkain ng sagana sa taba na taglay ng chicharon bulaklak tulad ng sakit sa puso.

Ulat ni: Anabelle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *