Mga pamilyang apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon sa 8 bayan at siyudad sa Negros Island, tinutulungan na ng DSWD

0
Mga pamilyang apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon sa 8 bayan at siyudad sa Negros Island, tinutulungan na ng DSWD

Umabot sa 12, 761 pamilya o katumbas ng 48, 850 mga indibidwal ang naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island, mula sa walong bayan at siyudad.

Kinabibilangan ito ng Bago City, La Carlota City, La Castellana, Moises Padilla, Muricia, Pontevedra, San Carlos City sa Negros Occidental at Canlaon City sa Negros Oriental.

Sinabi ni Department of Social Welfare and Development o DSWD spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, na tinutulungan na ng ahensiya ang mga apektadog pamilya.

Aniya, mayroong 150-libong mga kahon ng family food packs ang nasa Negros Island para maibigay sa mga naapektuhan ng pagputok ng bulkan.

Umabot na sa 107,825 family food packs ang naipalabas ng DSWD field office sa Negros Island, 3,505 ay iba pang food items at 24,990 ang non-family food packs at nasa 28.9 milyong pisong pondo ng assistance to individial in crisis situation o AICS, ang naibigay sa mga apektado ng pagsabog ng Mt. Kanlaon.

Inihayag pa ng opisyal, na mayroon ding 2,608 mga pamilya o katumbas ng 8,316 na indibidwal ang kasalukuyang nasa 22 evacuation centers at 3,702 mga pamilya o katumbas ng 11,892 mga indibidwal ang pansamantalang tumutuloy sa kanilang mga kaibigan at kamag-anak.

Nilinaw ng DSWD, na sapat ang pondo ng pamahalaan para tugunan ang pangangailangan ng mga apektado ng kalamidad.

Naglabas din ng mahigpit na babala ang kagawaran na bawal pakialaman ng mga puulitiko na tumatakbo sa May 2025 midterm elections ang mga family food pack at non-family food packs na ipinamahagi sa mga apektado ng kalamidad, dahil may kaakibat itong kasong kriminal at parusang pagkakulong at perpetual disqualification na humawak ng anumang posisyon sa gobyerno.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *