Mga pamilyang nabigyan ng ayuda sa QC, mahigit na sa 230,000

Umabot na sa mahigit 230,000 pamilya o katumbas ng mahigit na 700,000 indibdwal ang nakatanggap ng ayuda sa lunsod Quezon.

Sa layuning maingatan ang mga kukuha ng cash aids, mahigpit na ipinatutupad ang Health at Safety protocols tulad ng pagsusuot ng facemask, face shield at physical distansing.

Bukod sa nabanggit, may sinusunod na sistema ang bawat Barangay gaya ng pag-isyu ng stubs o pagpapapunta ng kukuha ng ayuda batay sa kalye o alphabetical order.

Payo ng mga Barangay sa lahat ng mga tatanggap ng ayuda, huwag magpunta sa distribution center kung hindi kabilang sa schedule ng barangay.

Belle Surara

Please follow and like us: